Sunday, September 27, 2009

Coco

Isang text ang aking natangap dalawang araw na ang nakakalipas. Nilalaman nito ay isang kakilala ko ang kung di man sikat, ay may napatunayan na. Sa totoo, ako ay nagandahan sa aking nasabi ukol sa kanya. Sadyang magandang pakinggan ang mga salitang " may napatunayan." Maliban doon, ang nangyari sa kanya para sakin ay nakakatuwang nakakainis. Nakakatuwa kasi, bakit ka nga naman hindi matutuwa, kakilala ko pa siya kung hindi man kaibigan ako sa kanya o sa akin. Nakakainis kasi ako hanggang ngayon ay wala parin napupuntahan.

Madaming dahilan kung bakit ako ay naiinis. Una dahil kasalanan ko bang hindi magkaroon ng ganun kasing tulad na pangangatawan? Pangalawa, kasalanan ko bang hindi magkaroon kaagad ng likas na kakayahan? Anu ba talaga ang buhay, swertihan? Kung mahirap ka, malas mo dahil kailangan mong magsikap upang guminhawa, kailangan mong magbanat ng buto, mabilad sa araw, makisama, magpakumbaba, hanggang sa pumangit balat mo, magkaguhit at lumaki ang mga butas sa muka mo at maawa sa sarili dahil sa mga bagay na hindi mo naranasan. Kabaligtaran naman syempre kung ikaw ay mayaman dahil wala ka ng gagawin kundi panatilihin ang iyong estado, at magpakasarap. Kung ihahalintulad sa tao, swerte mo kung maganda ka, nasa telebisyon ka na kaagad at malas mo kung pangit ka dahil magiging tampukan ka ng mga kutiya.

Hindi talaga natin alam ang sagot sa mga bakit, pero alam natin na may mga paraan na pwepwedeng gawin. Hindi ba kayo nagtataka? Sa tingin niyo, patas ba?

Sunday, September 20, 2009

RWJ

Kung kayo ay stress at bukas ang computer, wag niyong kalimutan tignan ito RWJ at siguradong tatawa kayo.

Saturday, September 19, 2009

Friday, September 18, 2009

Eyelashes curler, sa elevator

Maagang natapos ang aking klase kanina at kami naman ay dali daling umuwi. Nag-antay kami ng elevator at swerte, may bumukas naman kaagad. Sa aming pagsakay ay may nakita kaming dalawang babae na nasa loob na nito. Ang isa ay maganda ang kutis na mistisa habang ang isa naman ay ganun din. na may halong pagkamaarte lamang. Aming napagmasdan na ang babaeng mukhang maarte ay nag-aayos ng kanyang mga pilik-mata na parang may pupuntahang party o night life dagdag pa ang kanyang ghetto na pang-arangkada sa ilalim ng tumitirik na araw (sa labas), habang ang elevator ay bumababa. Kung huhulaan ang kanyang edad ay hindi na bababa sa labing-pito o labing-walo para sakin ngunit kung isasama ang ideya na sabado ngayon at walang pasok sa naturang gusali kundi CWTS lamang ay malaki ang pagkakataon na tulad din namin siya kung edad ang pag-uusapan.

Ang aking tanung lamang sa aking sarili bilang mamamayan ng isang bansang kinabibilangan ni Maria Clara, nasaan na siya at bakit ganun?
Ang taboo ay unti-unti nang nagiging hindi.

Thursday, September 17, 2009

kc

Sa pagbisita ko muli sa facebook, ay nakita ko ang isang litrato ng isang maganda modelo (babae). Tinignan ko ito ng mabuti at ako ay pahapyaw na nagulat sa saking nakita. Ang modelo pala ay isa sa aking mga kakilala. Sa litrato ay masyadong walang kapares ang kanyang imahe. Bale kung sa libro, ito ay "fiction" o katha lamang. Masyadong maganda ang babaeng yoon doon at hindi tulad pag siya ay kaharap mo.

Sumatotal iba na talaga ang nagagawa ng makina ngayon. Ang normal ay nagiging perpekto at ang magaspang ay nagiging makinis. Isang araw magugulat ka na lang dahil kahit sino pwede na.