Sunday, September 27, 2009

Coco

Isang text ang aking natangap dalawang araw na ang nakakalipas. Nilalaman nito ay isang kakilala ko ang kung di man sikat, ay may napatunayan na. Sa totoo, ako ay nagandahan sa aking nasabi ukol sa kanya. Sadyang magandang pakinggan ang mga salitang " may napatunayan." Maliban doon, ang nangyari sa kanya para sakin ay nakakatuwang nakakainis. Nakakatuwa kasi, bakit ka nga naman hindi matutuwa, kakilala ko pa siya kung hindi man kaibigan ako sa kanya o sa akin. Nakakainis kasi ako hanggang ngayon ay wala parin napupuntahan.

Madaming dahilan kung bakit ako ay naiinis. Una dahil kasalanan ko bang hindi magkaroon ng ganun kasing tulad na pangangatawan? Pangalawa, kasalanan ko bang hindi magkaroon kaagad ng likas na kakayahan? Anu ba talaga ang buhay, swertihan? Kung mahirap ka, malas mo dahil kailangan mong magsikap upang guminhawa, kailangan mong magbanat ng buto, mabilad sa araw, makisama, magpakumbaba, hanggang sa pumangit balat mo, magkaguhit at lumaki ang mga butas sa muka mo at maawa sa sarili dahil sa mga bagay na hindi mo naranasan. Kabaligtaran naman syempre kung ikaw ay mayaman dahil wala ka ng gagawin kundi panatilihin ang iyong estado, at magpakasarap. Kung ihahalintulad sa tao, swerte mo kung maganda ka, nasa telebisyon ka na kaagad at malas mo kung pangit ka dahil magiging tampukan ka ng mga kutiya.

Hindi talaga natin alam ang sagot sa mga bakit, pero alam natin na may mga paraan na pwepwedeng gawin. Hindi ba kayo nagtataka? Sa tingin niyo, patas ba?

No comments:

Post a Comment