Friday, September 18, 2009

Eyelashes curler, sa elevator

Maagang natapos ang aking klase kanina at kami naman ay dali daling umuwi. Nag-antay kami ng elevator at swerte, may bumukas naman kaagad. Sa aming pagsakay ay may nakita kaming dalawang babae na nasa loob na nito. Ang isa ay maganda ang kutis na mistisa habang ang isa naman ay ganun din. na may halong pagkamaarte lamang. Aming napagmasdan na ang babaeng mukhang maarte ay nag-aayos ng kanyang mga pilik-mata na parang may pupuntahang party o night life dagdag pa ang kanyang ghetto na pang-arangkada sa ilalim ng tumitirik na araw (sa labas), habang ang elevator ay bumababa. Kung huhulaan ang kanyang edad ay hindi na bababa sa labing-pito o labing-walo para sakin ngunit kung isasama ang ideya na sabado ngayon at walang pasok sa naturang gusali kundi CWTS lamang ay malaki ang pagkakataon na tulad din namin siya kung edad ang pag-uusapan.

Ang aking tanung lamang sa aking sarili bilang mamamayan ng isang bansang kinabibilangan ni Maria Clara, nasaan na siya at bakit ganun?
Ang taboo ay unti-unti nang nagiging hindi.

1 comment:

  1. haaay.. isa itong manipestasyon ng lumalalang globalisasyon..

    maria clara, buhay ka pa ba?

    ReplyDelete